Thursday, 1 June 2017

Ang Pagkakaiba ni Ka Erdy at Ka EVM


Sininop na mabuti ng sugo ang Iglesia ayon sa kalooban ng ating Diyos. Nang magpahinga ang sugo, ang kanyang labi ay pinagyaman ng Ka Erdy at inilagay sa isang maliit na mauseleo sa lokal ng F. Manalo na kung saan taon-taon ay binubuksan ito upang masilayan ng mga kapatid kahit na ang kanyang kabaong man lamang. Kung papanong sininop ng sugo ang Iglesia ay ganoon di naman ang ginawa ng Ka Erdy hanggang sa ang Iglesia ay matanyag mula sa silanganan hanggang sa kanluran. Ang Iglesia ay iginalang, tiningala, tinularan at niluwalhati hindi lamang ng mga kapatid kundi maging ng ibang mga pangkatin ng relihiyon. Katuparan ng mga salitang nakasulat sa aklat ng Isiaias


"So shall they fear
The name of the Lord from the west,
And His glory from the rising of the sun;


Ang kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng Iglesia ay mula sa sikatan ng araw. Ito ang dakilang papel na ginampanan ng Ka Erdy noong siya ay nabubuhay pa. Siya ang naghatid sa Iglesia sa kaluwalhatian na ang ibinunga nito ay kapurihan ng ating Diyos. Bunga nito ay sunod-sunod na tagumpay ang inani ng Iglesia sa lahat halos ng larangan.


Alam natin mga kapatid na ang isang libong taon ay isang araw lamang sa Diyos. Sa mga pag-aaral ay itinuro sa atin na ang pagitan ng una at ikalawang digmaang pandaigdig ay "may kalahating oras" lamang sa Diyos bagama't itoy tumagal ng mahigit 20 taon. Bakit po natin ito tinatalakay? Sapagkat ang kulang halos sa walong taon na panunungkulan ng ka EVM mula ng magpahinga ang Ka Erdy at lumalabas lamang na mahigit one minute and 29 seconds. Opo mga kapatid, ganoon kadali isinadlak ni Ka EVM at mga kasama niya sa kahihiyan ang Iglesia. Dahil nakasulat nga sa Biblia na history repeats itself, ay ganoon nga ang nangyari sa Iglesia ng mawala ang leader na may kahalalan mula sa Diyos. Ganito ang sinabi ni Apostol Pablo sa Gawa 20:29-30.


"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
30 At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan."


"For I know this, that after my departure savage wolves will come in among you, not sparing the flock. 30 Also from among yourselves men will rise up, speaking perverse things, to draw away the disciples after themselves."


Ito po mga kapatid ang katuparang muli ng nakasulat sa Banal na Kasulatan na naganap sa ating mahal na Iglesia. Ng magpahinga ang Ka Erdy ay pumasok ang mga ganid na lobo na hindi magpapatawad sa kawan. Alam natin ang kasaysayan ng unang Iglesia kung paaanong pinatay ang mga nanindigan sa panig ng ating Diyos. Kaya't ating natitiyak na ang nangyaring mga pagpatay sa mga kapatid sa unang Iglesia ay mangyayari din sa Iglesia ngayon at nangyari na nga ng paslangin ang Ka Lito Fruto at dukutin ang Ka Felix Villocino at Danilo Patungan. Simula lamang ito mga kapatid. Ang pananahimik ng media at ng kapulisan ay kapansin-pansin na isang babala sa lahat ng kapatid na lubusang mag-ingat sapagkat wala tayong matatanggap na tulong kahit kanino man kundi sa ating Amang Diyos lamang.


Ano ginawa ng Ka EVM sa labi ng Ka Erdy? Batay sa aming natanggap na balita, ito ay matagal ng inalis sa Tabernakulo at inilagay kung saan lang at ipininid na mainam upang hindi na kailanman pa masilayan ng mga kapatid na nagmamahal sa kanya. Malaking kabaligtaran sa ginawa ng Ka Erdy sa labi ng sugo.


Sa mga makakabasa nito na nariyan pa sa loob at patuloy na sumusuporta sa mga masasamang gawa ng Ka EVM at sanggunian, napakadali pong makita at maunawa kung ang mga nagaganap ba sa Iglesia ngayon ay kalooban pa ng ating Diyos. Bakit hindi po kayo magsuri? Huwag tayong hihiwalay sa aral na ating tinanggap mula sa Diyos. Tiyakin natin na sumusunod tayo sa utos ng Diyos ng kanyang sabihin



"Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot" 


No comments:

Post a Comment